Purefoods dinungisan ng Red Bull
Dinungisan ng Red Bull ang malinis na katayuan ng Purefoods na kanilang iginupo sa 87-74 iskor sa out-of-town game ng Smart-PBA Philippine Cup na ginanap sa Tacloban Convention Centre sa Tacloban City kahapon.
Matapos ang pitong sunod na panalo, natikman ng Purefoods ang kauna-unahang kabiguan ngunit hindi sila natinag sa pangkalahatang pamumuno.
Umangat ang Red Bull sa 4-3 kartada na siyang dahilan ng four-way-tie sa 4-3 win-loss slate kung saan kasama ang Magnolia, Talk N Text at
Katulong ni Pennisi ay sina Cyrus Baguio at Leo Najorda na may 12 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Bulls na di nakaasa kay Celino Cruz na maagang bumalik dito sa Maynila dahil sa lagnat.
Ang panalong ito ay bumura sa tatlong sunod na talo ng Red Bull.
Samantala, pagsisikapang makabangon ng defending champion Ginebra sa 2-5 kartada sa pakikipagharap sa mapanganib na Magnolia sa pambungad na laban sa alas-4:05 ng hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum.
Saasabak naman ang Talk N Text sa kulelat na Coca-Cola (1-5) sa alas-6:30 ng gabi. (MAE BALBUENA)
- Latest
- Trending