FEU talsik sa Ateneo; AdU, DLSU umusad
Pinatalsik ng Ateneo ang Far Eastern University sa kapana-panabik na five-setter, 25-20, 14-25, 12-25, 27-25, 15-11, at ibigay sa Adamson at La Salle ang libreng pag-pasok sa semifinal round ng Shakey’s V-League Second Conference sa harap ng dinagsang The Arena sa San Juan.
Ginawa ni Thai import Lithawat Kesinee ang lahat at ibigay ang huling dalawang puntos sa Ateneo kabilang na ang serbisyong hindi nasagot ng Lady Tamaraws at bumangon sa pagkatalo sa ikatlong set.
Ito rin ang katapusan ng FEU na umaasa sana ng playoff para sa huling semis berth sa Lady Tamaraws na naglarong wala ang pambato na si Rachel Daquis, at isara ang kampanya sa elimi-nasyon ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza na may 2-5 baraha.
Ang panalo din ng Ateneo ang nagbigay sa Adamson at La Salle, na kapwa may magkatulad na 3-3 karta na umabante kahit anuman ang kalabasan ng kanilang nakatakdang laban ngayon sa pagsasara ng eliminasyon.
Ang Lady Stags at Tigresses ay kasalukuyang naglalaban pa habang sinusulat ang balitang ito kung saan hangad ng una ang ikaanim na sunod na panalo sa tor-neong inorganisa ng Sports Vision at supor-tado din ng Mikasa, Accel, Coca-Cola, 100 Plus Isotonic Drink at Active White Skin whitening products.
Si Kesinee, beterano ng dalawang SEAG ay nagtapos na may 29 puntosna tinampukan ng 24 kills kabilang na ang isa na naglapit sa Ateneo sa isang puntos para makamit ang panalo.
Nag-ambag naman ng 17 puntos si Ma. Rosario Soriano para sa Lady Eagles, na matapos makuha ang unang set ay nakipagbuno sa sumu-nod na dalawang set sa likuran ng mahusay na laro nina Irish Morada, Wendy Semana at guest player Mary Anne Mana-lo, upang makontrol ang laban.
Ngunit nagtulung-tulong ang Lady Eagles sa ikaapat na set at naka-puwersa ng deciding fifth set.
Dahil dito, ang San Sebastian, UST, Ateneo, Adamson at La Salle ang bubuo ng semis sa isa pang single round robin phase kung saan bitbit ang kanilang rekord sa elims.
- Latest
- Trending