KINAPOS SI GOMEZ: Kay Peach ang korona
Abot kamay na ni Roberto Gomez ngunit dalawang malaking blunder ang nangyari para isuko niya sa Englaterang si Daryl Peach ang titulo ng 2007 World Pool Championships.
Tabla ang iskor sa 15-all sa kanilang race-to-17 match nang magkaroon ng pagkakataon si Gomez sa korona matapos sumablay ang doblete ni Peach sa 2-ball.
Ngunit nagkaroon pa rin ng pagkakataong makatira si Peach nang di pumasok ang 5-ball sa corner dahil na rin sa hindi nakalkula ni Gomez ang preparasyon sa susunod na tira.
Minsan pang nabigyan ng pagkakataon si Gomez nang mahirapang ipasok ni Peach ang 9-ball na natapatan ng cue ball kaya’t napuwersa siyang magdoblete.
Dahil na rin sa sobrang kaba at pressure, nabigo si Gomez na makuha ang puntos na siyang nagbigay daan kay Peach na makuha ang 16-15 bentahe.
Kahit naipasok ni Peach ang dalawa bola sa kanyang parsargo sa 32nd rack, kinailangan niyang magsafety dahil kalat ang bola gayunpaman, nakasilip ito ng pagkakataon nang maisubi ang $100,000 na premyo.
“I am so depressed,” Gomez, double degree holder sa UP
“Magaling siya, pero talagang dala na rin ng first time na umabot ako dito,” ani Gomez na nagkasya sa $40,000 runner-up prize. “Nawala ang focus ko sa laro. Dumadating yan sa lahat ng player. Nung 15-all na, dun na bumigay.”
“This is just a dream come true,” ani Peach. “But honestly speaking, this was the worst match that I played.”
- Latest
- Trending