^

PSN Palaro

Magaling si Tanamor

SPORTS - Dina Marie Villena -

Magaling na boxer talaga itong si Harry Tanamor.

Sa ngayon siya lamang ang boxer na nakapasok sa Beijing Olympics kung saan inaasahang ang boxing na maaaring pumawi ng kauhawan natin sa Olympic gold (bukod sa taekwondo).

Maaaring nakapag-uwi din si Tanamor ng ginto noong 2006 Doha Asian Games kung hindi lang sa disciplinary action na ipinataw sa kanya ng ABAP kung saan hindi siya nakasama sa RP boxing team.

May punto naman si ABAP president Manny Lopez. Kasi sayang ang husay ng isang tao kung umaakyat ito sa kanyang ulo. Marami ang mawawala sa kanya kapag nangyari ito.

At marahil, ito ang naisip ni Tanamor noong nakaraang taon kaya nagtino siya at bumalik sa pag-eensayo.

Katunayan, nagdaan si Tanamor sa mga eliminations at tryouts upang makasama uli sa National team.

At nagbunga naman ng maganda ang disiplina na iyon kay Tanamor.

Lalong nagpursigi at ipinakitang may tunay siyang talento.

Malay natin siya nga ang makapag-uwi ng Olympic gold.

Ang saya ng buong Pilipinas!

At tiyak dadaigin niya si Manny Pacquiao.

Kunsabagay, magkaiba sila kahit parehong boksingero. Si Tanamor ay amateur at walang malaking perang nakataya kundi karangalan hindi tulad ng kay Pacquiao na isang professional at dolyares ang nakalaan sa bawat igkas ng kamao. 

* * *

Binabati ko ang aking kababata na si Jojo Baldovino sa muling pagkakahal niya bilang Barangay chairman ng Barangay 342, Zone 34 District 3 ng Manila na kanyang ikatlong termino. Binabati rin ang kanyang mga kagawad na sina Analyn Santos, Boy Pantig, Yolly Comia, Red Manalo, Emma Arenas, Toto Sevilla, at ang SK chairman na si Joshua Eva.

Binabati ko naman ng maligayang kaarawan sina Nolan Bernardino (Nov. 8) at kanyang yumaong ama at kumpareng Jun B. (Nov. 9),   Rhea Navarro (Nov. 12) at Norman Black (Nov. 12).

vuukle comment

ANALYN SANTOS

BEIJING OLYMPICS

BINABATI

BOY PANTIG

DOHA ASIAN GAMES

EMMA ARENAS

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with