Ayon kay Alaska coach Tim Cone, ang mga pagbabagong alituntunin sa Smart-PBA Philippine Cup ay nagdala sa mga hindi magandang panalo.
Gayunpaman, may nakita naman siyang maganda kay Willie Miller, na napiling PBA Press Corps’ Smart-Accel Player of the Week sa linggo ng Oct. 29-Nov. 4.
“It wasn’t pretty, with all the shoving, holding and pushing that’re being allowed by the refs,” ani Cone.
“Fortunately, we’ve got the No. 1 player in the league used to that kind of a game.”
At sa assesment na ito ni Cone, si Miller ang akma sa mga bagong rules na ito--kung saan nabigyan siya ng malu-wag na depensa--na kanyang istilo noong ito ay naglalaro pa sa defunct MBA.
“He can as easily bang bodies or use his quickness to blow by any defender. He can also dish out the same banging to the ones he’s defending,” patungkol ni Cone sa two-time MVP.
Si Miller ay naglaro sa Nueva Ecija Patriots bago tumiklop ang liga noong 1998.
“Masarap din dahil sanay na, pero masakit din sa katawan,” wika ni Miller. “Pagkatapos ng laro saka mo na lang iindahin ang masakit na tuhod, dibdib, mga ganoon.”