^

PSN Palaro

Determinado si Alcano

-

Sinimulan ni Ronnie Alcano ang kanyang pagdedepensa sa titulo sa pagtatala ng dalawang magagaang tagumpay upang makausad sa susunod na round ng 2007 World Pool Championships na nagsimula kahapon sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Alcano ang apat na Pinoy na nagsimula ng kampanya ng Pinas kahapon sa pamamagitan ng kanyang 9-1 pamamayani kontra kay  Harold Stolka, 9-1,  matapos nitong pasadsarin si Saeed Ahmed AlMutawa ng United Arab Emirates, 9-3.

“Kapag winner’s break kailangan talaga maganda ang start mo,” pahayag ni Alcano. “Mabuti na lang maganda ang sargo ko.”

Hindi naman maganda ang naging simula ni Efren “Bata” Reyes sa knock-out round nang yumukod ito sa Japanese qualifier na si Kenichi Uchigaki, 2-9. Naghabol din muna si Reyes bago nito igupo si Taiwanese Liu Chunchuan, 9-7.

 Umabante agad si Liu sa 3-0, at nakadistansiya sa 6-3  ngunit nahanap ni Reyes ang kanyang porma para makabangon. Matapos magscratch si  Liu sa10th, kinuha ni Reyes ang sumunod na limang racks para sa 8-6 pangunguna.

Sumunod na tinalo ni Uchigaki si Alain Martel ng Canada, 9-3 upang makapasok din sa susunod na round.

Magaan naman ang panalo ni Antonio “GaGa” Gabica, 2006 Asian Games gold medalist, sa kanyang opening match laban kay Bruno Muratore ng Italy, 9-1 ngunit sumadsad ito kay  Lu Huichan ng Taiwan, 2-9.

Pinarisan naman ni Joven Bustamante ang smula ni Alcano sa torneong ito na inorganisa ng  Matchroom Sport at Raya Sports,  nang kanyang igupo si Ibrahim Bin Amir, Pinoy na kumatawan ng Malaysia, 9-8.

Dahil sa double elimination format, kailangang manalo nina Reyes at Gabica sa kanilang huling laban upang makapasok sa group matches.

Delikado rin sina dating world champion Wu Chia-ching na nabigo ay Vilmos Foldes ng Hungary, 7-9 gayundin si Yang Ching-shun, isa sa mahusay na Taiwanese player,  na nasilat ng kanyang kababayang si Lu Huichan, 5-9.

ALAIN MARTEL

ALCANO

LU HUICHAN

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with