^

PSN Palaro

Isa Pang Pag-Asa Sa Gold

-

MACAU -- Tatlo na ang pag-asa sa gold medal ng muay thai at posibleng madagdagan pa ito na nagbigay ng mataas na morale para sa RP Team na nakikipaglaban sa Macau 2nd Asian Indoor Games dito.

Pinabagsak ni lightwelterweight Ruben Zumido  si Sengchanh Sivongsa ng Laos via unanimous decision upang itakda ang pakikipagharap kay  Metta Khetnok ng Thailand na nagtala din ng unanimous decision laban kay Mustapha Yaghmour ng Lebanon, sa finals sa Sabado.

Ang panalo ni Zumido ay nagbigay sa Philippines ng tatlong pag-asa sa gold medal para dagdagan ang bronze ni  Catherine Perena sa women’s individual rapid chess.

Nag-ambag naman ang sepak takraw team ng bronze medal sa kanilang 500-plus performance. Katabla ng Philippines sa bronze ang Indonesia.

“That’s it for us, but it was a worthy bronze,” ani Philippine Amateur Sepak Takraw Association (Pasta) president Mario Tanchanco.

Umiskor din sina Roland Claro at Brent Velasco ng impresibong panalo noong Huwebes. Tinalo ni Velasco si Bounma Vongchampa ng Laos via  third round knockout sa bantamweight semifinals at susunod niyang haharapin si Supachai Payunhan ng Thailand.

Tinalo naman ni Claro si Albert Kujur ng India via unanimous decision sa flyweight semifinals at susunod niyang haharapin si Chan Kai Tik ng Hong Kong.

Samantala, nagrunner-up naman si  Chief-of-Mission at Philippine Sports Commissioner Richie Garcia sa golf tournament at siya ang may pinakamagandang pagtatapos sa buong delegasyon.

ALBERT KUJUR

ASIAN INDOOR GAMES

BOUNMA VONGCHAMPA

BRENT VELASCO

CATHERINE PERENA

CHAN KAI TIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with