^

PSN Palaro

Ateneo volleybelles sa semis

-

Ginamit ng Ateneo ang kanilang lakas at mahusay na court coverage upang igupo ang Adamson, 25-19, 21-25, 25-21, 25-21, na nagkaloob sa kanila ng ikalawang semifinal berth sa Shakey’s V-League Second Conference sa The Arena sa San Juan kahapon.

Nagpakawala si Thai import Lithawat Kesinee ng 30-plus point performance kung saan umiskor ito ng 26 kills upang pamunuan ang Lady Eagles sa ikaapat na panalo mula sa limang asignatura.

Ito ang nagbigay sa Ateneo ng ikalawang semis spot upang samahan sa susunod na round ang wala pang talong San Sebastian College at bunga nito, apat na teams ang naglalaban sa natitirang tatlong slots sa  ligang sponsored ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Bumagsak sa ikaapat na puwesto ang Adamson bunga ng 3-2 (win-loss) at inangkin ng UST ang No. 3 spot sa kanilang 3-1 slate at nasa fifth place ang FEU na may 2-2 card kasunod ang La Salle na may 1-2 slate.

Nagdeliber din si Ma. Rosario Soriano ng 14 attacks  para tulungan si Kesinee na naasahan din sa depensa sa kanyang siyam na blocks.

Nagtulung-tulong naman sina Bea Pascual, Denise Acevedo, Patricia Taganas at Karla Bello sa 22 points para sa Lady Eagles, na tumapos ng laro sa loob ng isang oras at 40-minuto.

vuukle comment

ADAMSON

ATENEO

BEA PASCUAL

DENISE ACEVEDO

KARLA BELLO

LA SALLE

LADY EAGLES

LITHAWAT KESINEE

PATRICIA TAGANAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with