CHICAGO, Illinois -- Matapos magpractice sa restday, sinabi nina lightflyweight Harry Tañamor, flyweight Violito Payla at lightweight Genebert Basadre na determinado silang talunin ang mga kalaban sa International Amateur Boxing Association World Boxing Championships na ginaganap sa University of Illinois-Chicago Pavilion dito.
Makakaharap ni Payla si Rau’shee Warren ng United States, sasagupain ni Tañamor si Sherali Dostiev ng Tajikistan at makakalaban ni Basadre si Hrachik Javakhyan ng Armenia ngayong Miyerkules kung saan ang mananalo ay uusad sa quarterfinals at makakakuha ng slot sa 2008 Beijing Olympics.
‘‘Matinik si Warren pero marami na akong nakalaban na tulad niya kaya alam ko na ang gagawin ko,” ani Payla.
‘‘It’s not going to be easy, but Payla has the game to win this one. We’re fighting a hometown bet and we need a very clear win,’’ ani RP coach Pat Gaspi.
Tinalo ni Tañamor si Dostiev sa Athens Olympics preliminaries kaya alam nyang gaganti ito.”Sigurado ako naaalala pa niya ‘yon.”