Marami pang adjustments na kailangang gawin si national head coach Junel Baculi para sa mga Nationals.
Matapos kunin ang 51-32 abante sa first half, hinayaan ng RP Team ang Toyota Balintawak na humakot ng kabuuang 60 puntos sa second half nakabalik sa porma para sa 103-92 panalo sa 2007 PBL V-Go Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang nasabing panalo ang nagbigay sa Nationals ng 3-1 rekord kasunod ang Batang Pier (2-0), Hapee Toothpaste Complete Protectors (2-0), Roadkings (2-1), San Mig Coffee Kings (1-1), Mail & More Comets (0-2) at Pharex Medics (0-2).
Ipinoste ng Nationals ang isang 22-point advantage sa kaagahan ng final canto hanggang maputol ito ng Roadkings ni Ariel Vanguardia sa 81-84 agwat sa huling 4:11 galing sa isang 3-point shot ni JV Casio.
Sa inisyal na laro, iginupo naman ng Harbour Centre ang Bacchus, 87-74, tampok ang team-high 18 puntos ni Fi-lAm Sol Mercado.
Itinala ng Harbour Centre ang 21-point lead, 57-36, sa third period buhat sa 2-freethrows ni Rico Maierhofer. (RC)