^

PSN Palaro

RP Team marami pang dapat matutunan

-

Marami pang adjustments na kailangang gawin si national head coach Junel Baculi para sa mga Nationals.

Matapos kunin ang 51-32 abante sa first half, hinayaan ng RP Team ang Toyota Balintawak na humakot ng kabuuang 60 puntos sa second half nakabalik sa porma para sa 103-92 panalo sa 2007 PBL V-Go Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

 Ang nasabing panalo ang nagbigay sa Nationals ng 3-1 rekord kasunod ang Batang Pier (2-0), Hapee Toothpaste Complete Protectors (2-0), Roadkings (2-1), San Mig Coffee Kings (1-1), Mail & More Comets (0-2) at Pharex Medics (0-2).

Ipinoste ng Nationals ang isang 22-point advantage sa kaagahan ng final canto hanggang maputol ito ng Roadkings ni Ariel Vanguardia sa 81-84 agwat sa huling 4:11 galing sa isang 3-point shot ni JV Casio.

Sa inisyal na laro, iginupo naman ng Harbour Centre ang Bacchus, 87-74, tampok ang team-high 18 puntos ni Fi-lAm Sol Mercado.

Itinala ng Harbour Centre ang 21-point lead, 57-36, sa third period buhat sa 2-freethrows ni Rico Maierhofer. (RC)

ARIEL VANGUARDIA

BATANG PIER

HAPEE TOOTHPASTE COMPLETE PROTECTORS

HARBOUR CENTRE

JUNEL BACULI

MORE COMETS

NINOY AQUINO STADIUM

PHAREX MEDICS

RICO MAIERHOFER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with