Sa pagkapanalo sa Event 2 ng World Pool Championships qualifying tournament, naisaayos ni Kenichi Uchigaki ng Japan ang kanyang ‘dream match’ laban kay Filipino pool legend Efren “Bata” Reyes.
Sina Reyes at Uchigaki ang opening match sa 2007 WPC na magsisimula sa November 3 sa TV Table 1.
Isa itong mahalagang laban kay Uchigaki na ngayon lamang nakapasok sa WPC na sinimulan niyang pangarapin noong 2001.’
Ordinaryo lamang ito para kay Reyes na isa nang kilabot sa larangan ng billiards at sa katunayan ay napanalunan na niya ang titulo noong 1999 sa Cardiff, Wales.
Sa qualifying events sa Star Billiards Center, may 79 players ang nakibahagi at nasiguro ni Uchigaki ang WPC slot matapos ang 93 panalo sa Vietnamese na si Do Huang Quan.
Dinomina ng mga Chinese Taipei players ang opening tournament at dalawa pang Taiwanese na sina Chang Youmau at Wu Yulin ang nakarating sa semifinals ngunit natalo kay Do at Uchigaki ayon sa pagkakasunod.
Si Uchigaki ang player H sa Group 6 na kinabibilangan nina A. Reyes, B. Tony Drago (Malta), C. Tony Robles (USA), D. Liu Chunchuan (Taiwan), E. Alain Martel (Canada), F. Tomasz Kaplan (Poland), G. Ceri Worts (New Zealand), H. Uchigaki.