^

PSN Palaro

Reyes vs. Uchigaki sa opening day

-

Sa pagkapanalo sa Event 2 ng World Pool Championships qualifying tournament, naisaayos ni Kenichi Uchigaki ng Japan ang kanyang ‘dream match’ laban kay Filipino pool legend Efren “Bata” Reyes.

Sina Reyes at Uchigaki ang opening match sa 2007 WPC  na magsisimula sa November 3 sa TV Table 1.

Isa itong mahalagang laban kay Uchigaki na ngayon lamang nakapasok sa WPC na sinimulan niyang pangarapin noong 2001.’

Ordinaryo lamang ito para kay Reyes na isa nang kilabot sa larangan ng billiards at sa katunayan ay napanalunan na niya ang titulo noong 1999 sa Cardiff, Wales.

Sa qualifying events sa Star Billiards Center, may 79 players ang nakibahagi at nasiguro ni Uchigaki ang WPC slot matapos ang 93 panalo sa Vietnamese na si Do Huang Quan.

Dinomina ng mga Chinese Taipei players ang opening tournament  at dalawa pang Taiwanese na sina Chang Youmau at Wu Yulin ang nakarating sa semifinals ngunit natalo kay Do at Uchigaki ayon sa pagkakasunod.

Si Uchigaki ang player H sa Group 6 na kinabibilangan nina A. Reyes, B. Tony Drago (Malta), C. Tony Robles (USA), D. Liu Chunchuan (Taiwan), E. Alain Martel (Canada), F. Tomasz Kaplan (Poland), G. Ceri Worts (New Zealand), H. Uchigaki.

vuukle comment

ALAIN MARTEL

CERI WORTS

CHANG YOUMAU

CHINESE TAIPEI

DO HUANG QUAN

REYES

UCHIGAKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with