Manila, Dumaguete nakasilat

Nagtala ang Manila ng 4-2 upset kontra Cebu gayun din ang Dumaguete laban sa nagtatanggol ng koronang Makati, 6-5 sa Baseball Philippines Series II sa Rizal Memorial ballpark kahapon.

Ang magkasanib na husay ni pitcher Charlie Labrador at pagpalo naman ni Arvin Mali ang nagbigay daan para ipalasap ng Manileños sa Cebuanos ang unang kabiguan.

Tatlong run ang ipinasalubong ng Manila Sharks sa lst inning pa lang ng laro na naging sapat na para manalo.

Nakaabante kaagad ang Dumaguete ng apat na run sa unang dalawang inning hindi dahil sa kahinaan ng pitcher na si Jonjon Robles kundi sa dami ng error ng kanyang mga kasamahan.

Gumawa ang Makati ng 3-run rally  nguniit pinigilan ito ng Dumaguete sa tulong ng isang run ni Darwin Dela Calsada sa 4th inning.(Anatoly dela Cruz)

Show comments