May ilalabas pa ang Magnolia

Hindi pa nakikita ni coach Siot Tanquingcen ang tunay na kakayahan ng Magnolia.

Inamin rin ni Tanquingcen na nahihirapan siyang paghati-hatiin ang playing time ng kanyang mga kamador na sina two-time Most Valuable Player Danny Ildefonso, Danny Seigle, Lordy Tugade, Dondon Hontiveros at Larry Fonacier.

 “Malayo pa,” ani Tanquingcen. “Actually, we’re still struggling and we’re still looking for ways to get everybody their minutes and at the same time get their chemistry with the guys in the game.”

Sa kabila nito, iginupo pa rin ng mga Beverage Masters ang Coca-Cola Tigers, 89-78, sa likod na rin ng kinolektang 13 puntos ni Tugade sa huling limang minuto sa final canto sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.  

Umangat ang Magnolia sa 3-1 baraha sa ilalim ng namumunong Purefoods (3-0) at kasunod ang Talk ‘N Text (2-1), Air 21 (1-1), Red Bull (1-1), Welcoat (1-2), Alaska (1-2), nagdedepensang  Ginebra (1-2), Coke (1-2) at Sta. Lucia (0-2).

Kasalukuyan pang naglalaban ang Phone Pals at ang Realtors sa ika-lawang laro.(RCadayona)

Show comments