Laguna swimmers umatake
NAGA City -- Gumawa ng malaking pagkilos ang Laguna sa pananalasa sa swimming, archery at wrestling kahapon upang agawin ang overall leadership sa Cavite sa inulang Day 4 ng 2nd Philippine Olympic Festival Bicol Southern Tagalog Qualifying Games sa iba’t ibang event dito.
Ang Batangueñong si Joshua Desamero, 14-anyos, ay nanalo ng pitong ginto upang isulong ang Laguna na mayroon na ngayong 39 gold, 32 silver at 19 bronze medals para iwanan ang Cavite sa second place na may 30-gold, 19-silver at 16-bronze medal.
Nanalo si Desamero, sa 400-meter individual medley sa tiyempong limang minuto at 24.37 segundo na sinundan nito ng tagumpay sa 1500m gold medal sa 19:38.68 habang bumandera naman sina R-Vee Zotomayor at John Matthew Magpantay sa archery sa pagtudla ng tigalawang golds.
Nakakuha din ang Laguna ng tatlong gold sa wrestling mula kina Alejandro Bartolome (55kg), Ariel Samadio (74kg) at Gilbert Ombao (96kg).
Gayunpaman, ang araw ay para sa Lipa City native na si Christine Grace Tan, na nakatatlong gold sa ikalawang araw ng pool competition para sa kabuuang seven golds sa event na suportado ni Naga City Mayor Jessie Robredo, the Philippine STAR, Philtranco, Villa Caceres, Globe, Accel, Asia Brewery, Negros Navigation, AMA Computer College at Creativity Lounge.
Nanguna ang 14-anyos na si Tan, sa 200m IM, 200m butterfly at 50m freestyle matapos mamayani sa 100m freestyle, 100m backstroke, 400m IM at 800m freestyle.
Komopo naman ang
Nanalo ang 19-anyos na si Danila, sa 200m IM, 200m butterfly at 50m freestyle dagdag sa kanyang panalo sa 100m freestyle, 100m backstroke at 400m IM 15-and-above para sa 6-golds.(Joey Villar)
- Latest
- Trending