^

PSN Palaro

Uste, Ateneo hahabol

-

Kasabay ng pama-mayagpag ng mga Lady Stags, pipilitin naman ng mga Tigresses at Lady Eagles na makalapit sa itaas.

 Sasagupain ng University of Sto. Tomas ang Letran College ngayong alas-3 ng hapon bago ang sultada ng Ateneo De Manila University at ng Lyceum of the Philippines sa alas-5 sa elimination round ng Second Conference ng 2007 Shakey’s V-League Women’s Volleyball Tournament sa The Arena sa San Juan.

Hawak ng San Se-bastian ang pamumuno sa likod ng kanilang 3-0 kartada kasunod ang UST (2-1), Ateneo (2-1), Adamson University (2-1), Lyceum (0-3) at Letran (0-3).

Humataw ang Lady Eagles ng isang 25-13, 25-17, 25-10 tagumpay kontra Lady Knights no-ong Biyernes, habang isang 25-20, 25-19, 25-19 panalo naman ang iniskor ng Tigresses sa Far Eastern University Lady Tams.

Bago manalo sa huli nilang mga laro, nagtagpo na ang Ateneo at UST noong nakaraang Linggo kung saan kumolekta si Thai import Lithawat Ke-sinee ng 32 puntos upang ibigay sa Katipunan-based spikers ang 22-25, 25-22, 23-25, 25-19, 15-6 panalo.

Kumpara sa Lady Eagles at Tigresses, pareho namang nakati-kim ng kabiguan ang Lady Knights at Lady Pirates sa kani-kanilang huling asignatura.

Yumukod ang Letran sa Ateneo, 13-25, 17-25, 10-25, samantalang nata-lo ang Lyceum sa San Sebastian, 22-25, 24-26, 16-25.(R. Cadayona)

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY LADY TAMS

LADY

LADY EAGLES

LADY KNIGHTS

LADY PIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with