^

PSN Palaro

Payla, Basadre determinado

-

CHICAGO, Illinois -- Sinabi nina Flyweight Violito Payla at lightweight Genebert Basadre na handa silang panatilihing buhay ang pag-asa ng bansa na makakuha ng Olympic slots sa kasalukuyang  International Amateur Boxing Association World Boxing Championships dito.

Sumabak sa aksiyon sina Payla at Basadre noong Sabado sa University of Illinois-Chicago Pavilion dito at kumpiyansa sila sa kanilang kampanya sa torneong qualifier para sa Beijing Olympic Games.

‘‘I’m going to give it my best shot,’’ sabi ni Payla na sasabak kina Englishman Khalid Said  para sa puwesto sa round of 16.

Tangka rin ni Basadre na makapasok sa round of 16 laban kay Canadian Ibrahim Kamel.

Kailangang makarating ang dalawang boxers sa round of 8 para makapasok sa 2008 Beijing Olympics.

Nagpractice sina Payla, Basadre at light-flyweight Harry Tanamor na binantayan nina coaches Pat Gaspi at Ronald Chavez sa UIC Physical Education building.

Apat sa seven-man boxing team ay nawalan na ng pag-asa sa Olympic slots matapos masibak sa preliminaries sina Joan Tipon, Delfin Boholst, Charly Suarez at Wilfredo Lopez.

Yumukod si Boholst kay Velibor Vidic ng Bosnia and Herzogovina, 19-9.

‘‘We’re doing everything to make the Olympics. Our remaining boxers know their missions very well,’’ ani  Gaspi, na nagpasalamat sa Filipino-American community dito sa kanilang suporta.

Sinimulan ni Payla ang kampanya sa pamamagitan ng referee-stopped-contest-out-scored win laban kay Andrew Selby ng Wales , habang iginupo ni Basadre, bronze medalist sa Doha Asian Games, si Bulgarian Ognyan Kolev, 19-13.

‘‘It’s going to be very tough for us considering the world-class field, but we are still on target,’’  ani Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny T. Lopez.

May dalawa pang qualifiers sa Bangkok, Thailand at Almaty, Kazakhstan sa susunod na taon para sa Asian boxers.

BASADRE

COUNTRY

PAYLA

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with