Alcano sasabak sa SEAG

Pangungunahan ni  world pool champion Ronnie “The Volcano” Alcano ang 13-player national squad na napili ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines para kumatawan ng bansa sa 24th Southeast Asian Games sa December sa Thailand.

Ito ang inihayag ni BSCP president Ernie Fajardo kahapon at makakasama ni Alcano sa team si Asian Games gold medalist Antonio “Gaga” Gabica, Marlon Manalo, Reynaldo Grandea, Lee Van Corteza, Dennis Orcullo at Emilio Villariza, sa men’s billiards squad; at James Al Ortega, Benjamin Guevarra at Rodolfo Lordan Jr., sa snooker.

Ang women’s team ay kabibilangan nina 2005 Philippine SEA Games veterans Rubilen Amit, Mary Ann Basas at Iris Ranola, ayon kay Fajardo na nagsagawa ng announcement sa SCOOP weekly session sa Kamayan Restaurant-Padre Faura. 

Hindi napili sina Alex Pagulayan, Efren Bata Reyes at Django Bustamante dahil may mga torneo silang lalahukan.

Show comments