^

PSN Palaro

Matindi ang hamon sa RP pugs

-

CHICAGO, Illinois -- Sisimulan na nina Doha Asian Games bronze medalist at lightweight Genebert Basadre, light-welterweight Delfin Boholst at welterweight Wilfredo Lopez ang kanilang kampanya sa International Amateur Boxing Association World Boxing Championships.

Nakapag-ensayo ang RP-PLDT-Smart boxing team ng isang oras sa University of Illinois-Chicago Physical Education building nitong Lunes ng hapon at sinabi ng tatlong Pinoy pugs na handa na silang humarap sa mabigat na hamon.

Ang general weigh-in at draws ay gaganapin ng Martes ng umaga sa Palmer House Hilton.

‘‘Lalabanan ko kahit na sino,’’ wika ng 23-gulang na si Basadre. ‘‘Pangarap ko makalaban sa Olympics.’’

‘‘Gagawin ko lahat para makarating ng Beijing Olympics. Gustong kong ipagmalaki ako ng mga magulang ko,’’ sabi naman ng 5-foot-9 na si Boholst na nanalo ng gold medal sa nakaraang National Open.

Sinabi naman ng 5-foot-10 na si Lopez, tubong Kiamba sa Sarangani Province na hindi siya natatakot sa mga kalaban. ‘‘Bakit ako matatakot, pantay-pantay lang kami,’’ sabi ni Lopez.

Sasabak sina Doha Asian Games gold medalist Violito Payla at veteran Harry Tanamor,  two-time World championships bronze medalist, sa Miyerkules, habang sa Huwebes naman sina Joan Tipon at Charly Suarez.

BEIJING OLYMPICS

CHARLY SUAREZ

DELFIN BOHOLST

DOHA ASIAN GAMES

GENEBERT BASADRE

HARRY TANAMOR

INTERNATIONAL AMATEUR BOXING ASSOCIATION WORLD BOXING CHAMPIONSHIPS

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with