Talagang magkukrus pa rin ng landas sina Manny Pac-quiao at Juan Manuel Marquez.
Kung baga eh, talagang itatakda ang muli nilang pag-haharap at dahil sa utos naman ng World Boxing Council.
Sobrang inaabangan ang laban na ito kaya kung matu-tuloy tiyak na hahataw sa takil-ya. Kaya abangan na lang muna natin ang pagdepensa ni Marquez ng kanyang korona kay Rocky Juarez.
* * *
Akalain mo, nalusutan pala ng Ateneo ang University of Santo Tomas sa ginaganap na Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan.
At siyempre ang nagdala naman ng laro ay ang Thai player na kanilang guest player-si Lithawat Kesinee.
Pero alam mo naman hindi naman laro ng iisang tao lang ang volleyball kaya hindi puwe-deng hindi bigyan ng pagkilala ang mga performance ng mga Ateneo belles na sina Patricia Taganas Ma. Rosario Soriano at iba pang players.
Kaya dahil sa pagkatalong ito ng UST, tiyak na nawala na ang takot ng ibang teams na kasali na banggain ito.
Bilog ang bola at hindi na-man talaga sa lahat ng laro ay laging panalo, siyempre may natatalo din.
* * *
Mabuti na lang walang sporting events sa Glorietta ng time na may sumabog. Kasi maraming sporting events na ginagawa doon dahil puntahan ng mga tao.
Sa ngayon puntirya pa rin daw ang mga malls at MRT at LRT. Nakakatakot tuloy mama-masyal ka lang madidisgrasya pa ng hindi mo alam kung sino ang kalaban.
* * *
Personal: I would like to thank Dr. Mario de Villa, at successful naman ang operasyon niya sa akin. Also all the nurses and other staff ng Medical Center Manila na mga nagaalalaya habang naka-confine ako. With special thanks sa mga bumisi-tang friends at higit sa lahat sa mga prayers and other support na ibinigay nila sa akin. I still need that prayers and hopefully everything will be fine.