^

PSN Palaro

Marquez vs Pacquiao utos ng WBC

-

Hindi pa man naidaraos ang kanyang pagdedepensa sa World Boxing Council (WBC) super featherweight crown kay American challenger Rocky Juarez ay inutusan na ng nasabing boxing organization si Mexican Juan Manuel Marquez na magtanggol kay Filipino Manny Pacquiao.

Ginawa ito ng WBC sa kabila ng inaabangan pang banggaan nina Marquez at Juarez sa Nobyembre 3.

Sakaling matagumpay na maidepensa ng 34-anyos na si Marquez, may 47-3 win-loss ring record kasama ang 35 knockouts, ang kanyang suot na WBC super featherweight crown sa 27-anyos na si Juarez, may 27-3 (19 KOs) slate, bibigyan ang Mexican ng WBC ng 30 araw para plantsahin ang laban sa 28-anyos na si Pacquiao.

Nanggaling si Pacquiao, nagbabandera ng 45-3 (35 KOs), sa isang panalo kay dating WBC super featherweight champion Marco Antonio Barrera sa kanilang rematch noong Oktubre 6 sa Las Vegas, Nevada.

Matatandaang itinakas ni Marquez ang isang draw laban kay Pacquiao sa kanilang unang pagkikita noong Mayo ng 2004 sa Las Vegas sa kabila ng tatlong beses na pagkakabagsak sa first round.

Ayon sa mga boxing genius, kung ibinilang kay Pacquiao ang 10-6 iskor mula sa tatlong ulit na pagpapahalik kay Marquez sa sahig sa first round ay posible pa itong nanalo via split draw decision.

Tiniyak naman ni Ignacio Beristain, manager ng tinaguriang “El Dinamita”, na itatakda ang rematch nina Marquez at Pacquiao, ang kasalukuyang WBC International super featherweight titlist, sa 2008.

Sinimulan na rin ng Golden Boy Promotion ni Oscar Dela Hoya ang pakikipag-usap sa HBO para sa petsa ng Marquez-Pacquiao II sa susunod na taon. (RCadayona)

EL DINAMITA

FILIPINO MANNY PACQUIAO

GOLDEN BOY PROMOTION

IGNACIO BERISTAIN

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with