^

PSN Palaro

Lady Eagles susubukan ng Lady Tigresses

-

Malalaman ngayong hapon kung may magandang resulta ang naging paghahanda ng mga Lady Eagles sa Thailand at ang pagkuha sa isang bigating Thai spiker.

 Sasagupain ng University of Sto. Tomas ang Ateneo De Manila University sa ganap na alas-3 ng hapon kasunod ang banggaan ng Far Estern University at Lyceum of the Philippines sa alas-5 sa 2nd Conference ng Shakey’s V-League Women’s Volleyball Tournament sa The Arena sa San Juan.

 Ipaparada ng Lady Eagles si guest player Lithawat Kesinee, dalawang beses na naging miyembro ng national team ng Thailand sa Southeast Asian Games.

 Ang 26-anyos na si Kesinee, kasama sa champion club team ng Thailand na RBAC, ang sumalo sa naiwang trabaho ni Thai spiker Kanchana Jindarat sa Ateneo na nagkaroon ng injury. 

Nanggaling ang UST sa 25-16, 25-22, 25-11 paggupo sa nagdedepensang De La Salle University kung saan muling nagdomina sina Mary Jean Balse at Venus Bernal.

Sa ikalawang laro, hangad naman ng FEU na masundan ang kanilang 25-15, 25-21, 25-15, tagumpay sa Letran College matapos mabigo sa kanilang unang laban sa pakikipagtagpo sa Lyceum.

Ang Lady Tams at ang Lady Pirates ang unang dalawang tropang tinalo ng Adamson Falcons, may 2-1 rekord, bago lumuhod sa San Sebastian, 20-25, 18-25, 14-25, kamakalawa. (RCadayona)

ADAMSON FALCONS

ANG LADY TAMS

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR ESTERN UNIVERSITY

LADY EAGLES

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with