^

PSN Palaro

San Mig Coffee vs Pharex sa PBL opening

-

Patitikman ng San Mig Coffee team ang bagong saltang Pharex kung ano ang kanilang haharapin sa Philippine Basketball League (PBL) sa pagbubukas ng season opener V-Go Extreme Energy Drink Cup ngayon sa The Arena sa San Juan.

Sa pagdating nina NCAA Most Valuable Player (MVP) Kelvin dela Peña at Ateneo stalwart Clifford Arao, ang Coffee Kings na mamanduhan ni coach Koy Banal ay isa na namang title contender sa 2008 season.

Ito ay isang malaking hamon para sa Medics squad na nais makagawa ng pangalan sa PBL na susuportahan ng Gerry’s Grill, ACCEL, Isuzu Motors, Spalding, Gold’s Gym at Xtreme Magic Sing.

Sasandal naman ang Pharex na mamanduhan ni coach  Gian Carlo Lai Tan sina Mapua playmaker Sean Co at University of the East big man Elmer Espiritu.

Alas-2:00 ng hapon ang sagupaan ng Pharex at San Mig Coffee pagkatapos ng opening ceremonies sa ala-una ng hapon habang sa ikalawang laro ay maghaharap naman ang Bacchus at ang Toyota Balintawak.

Panauhing pandangal ang mga miyembro ng Special Olympics team sa opening program na ipapakilala ni Commissioner Chino Trinidad  habang si San Juan City Mayor JV Ejercito  ang magsasagawa ng ceremonial toss. Si  incoming chairman Cecilio Pedro ng Hapee Toothpaste ang tagapagsalita. (MBalbuena)

vuukle comment

CECILIO PEDRO

CLIFFORD ARAO

COFFEE KINGS

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

DRINK CUP

ELMER ESPIRITU

PHAREX

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with