Ginebra simula na ang pagdedepensa

Magsisimula na ang pagdedepensa ng Ba-rangay Ginebra sa kani-lang titulo at simula na rin ng panibagong kabanata ng basketball career ni Joe Devance, ang top-draft pick na magde-debut ngayon sa pagpapa-tuloy ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Matapos ipahiram sa national team na suma-bak sa FIBA-Asia championships, makakasama na ngayon ng Gin Kings sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand ngunit di pa tiyak kung maka-kalaro ngayon si ‘The Spark’ dahil sa kanyang shoulder injury gayundin si Erik Menk na nagka-roon naman ng ankle injury.

Wala na ring maaasa-hang Rudy Hatfied at Andy Seigle ang Ginebra kaya’t kailangang mag-step-up sina Johnny Abarrientos, Rafi Reavis, Billy Mamaril, Rodney Santos, Ronald Tubid, Mike Holper, ang bagong saltang si Paul Artadi at  rookie Macky Escalona.

Alas-7:20 ng gabi ang sagupaan ng Bulls at Gin Kings pagkatapos ng engkwentro ng Welcoat at Coca-Cola sa alas-4:30 ng hapon.

Bukod kay Devance, magde-debut din si Nic Belasco sa Express na nakuha ng Air21 sa Alaska.

Wala nang Enrico Vilanueva, Lordy Tugade at Larry Fonacier na maasahan si coach Yeng Guiao at nagka-ACL pa si Rich Alvarez kaya’t ma-kukuntento ito kina Mick Pennisi, Cyrus Baguio,  Carlo Sharma, Mike Hrabak, Junthy Valenzue-la, rookie  Jojo Duncil at ang bagitong siFrancis Adriano.

Samantala, pinagmul-ta ang Air 21 power forward na si Homer Se ng P10,000 dahil sa flagrant foul (penalty 1) nang sikuhin nito sa leeg si Magnolia point guard LA Tenorio noong Linggo.   (MAE BALBUENA)

Show comments