Naging magaan ang tagumpay nina Efren “Bata” Reyes at Ronnie Alcano sa magkahiwalay na kalaban upang itakda ang kanilang sagupaan at apat pang Pinoy cue artist ang na-kausad sa ikalimang round kung saan sila-sila rin ang maghaharap sa pagpapatuloy ng US Open 9-ball Championship sa Chesapeake Convention Center sa Chesapeake, Virginia nitong Miyerkules.
Iginupo ni Reyes si Alessandro Torrenti, 11-3, sa fourth round upang isaayos ang showdown la-ban kay reig-ning double world pool champion na si Alcano sa star-studded Bracket 3.
Galing naman si Alca-no sa impresibong 11-0 shutout win laban kay Chris Bartrum.
Tinalo naman ni Bus-tamante si Joel Gray, 11-8, upang kalabanin si Jose “Amang” Parica, na nanaig naman laban kay Derek Leonard, 11-5; habang pinayukod ni Lee Van Corteza ang betera-nong si Niels Feijen, 11-8, upang itakda ang fifth round duel laban kay Warren Kiamco, 11-9 winner kay Dan Louie.
Umusad din sina Dennis Orcollo at Rodolfo Luat matapos pabagsa-kin sina David Hunt, 11-9, at Ceri Worts, 11-7 ayon sa pagkakasunod.
Susunod na makaka-harap ni Orcollo si Tony Crosby na nanalo kay Brian Parks, 11-8, habang haharapin naman ni Luat si James Walden, na sumilat kay defending champion John Schmidt, 11-1, sa Bracket 2.
Sa pag-usad ng wa-long Pinoy, naiwanan naman ang 2004 world 9-ball champion na si Alex Pagulayan matapos itong yumukod kay Louis Ul-rich, 7-11, sa Bracket 1.
Umusad din sina Ralf Souquet, Johnny Archer, Ernesto Dominguez at Thorsten Hoh-mann.