Mas mabigat na hamon ang haharapin ng mga defending champions na sina Sheena Rose Teves at Lourdes Patillano sa pagbubukas ng 2007 Petron Ladies Beach Volleyball Battle of Champions sa Biyernes sa Subic Bay Freeport sa Olongapo City.
Makakaharap nila ang mga champions ng nakaraang tatlong legs na sa pangunguna nina Sheryl Laborte at Bacolod campaigner Jenny Torres na nagkampeon noong nakaraang taon.
Ang beach volley tournament, na suportado ng Petron, Speedo, Mikasa, Asian College of Science and Technology, Arellano University, Subic Bay Metropolitan Authority, Seorabeol Grand Leisure Hotel, Jollibee-Subic, Aristocrat Subic at Meat Plus, ay nasa ikalimang taon na.
Ayon kay Teves, isang Hotel and Restaurant Management student sa Asian College of Science and Technology na makikipagtambal kay Patillano, inaasahan nilang magiging palaban din ang second-leg titlists na sina Kat Villaluz at Arlene Bernardo.
Lalahok din ang mga ACSAT standouts na sina Apple Sebastian at Mary Anne Calleja at ang tambalan nina Jessica Ticala at Mary Natividad.