May ibubuga si Stephanie Mercado
Napanood ko nang maglaro ang magandang anak ni dating Sprint Queen Lydia de Vega-Mercado na si Stephanie Mercado.
Si Steph ay miyembro ng De La Salle University volleyball team. At siguro may dalawang conference na rin siya or more na naka-lineup sa DLSU para sa Shakey’s V-League at medyo disappointed nga ako dahil sa ilang beses kong panonood eh never ko siyang nakitang napasabak sa playing court.
At siyempre prerogative ng kanilang coach. Maaaring inihahanda siya ng husto.
Kaya naman noong Sunday, nasiyahan ako dahil at least napanood ko na si Steph.
At magaling pala siyang volleyball player. Katunayan siya ang nagdala sa Lady Archers but not enough dahil talo sila sa
Nanalasa ng husto para sa UST si Venus Bernal, Mary Jean Balse at guest player Suzanne Roces.
But then talagang ganun ang laban, may natatalo at may nananalo. Wagi ang UST at bigo ang DLSU.
For sure babawi sila ngayon kung saan muli isa sa sasandalan ni coach Ramil de Jesus ay si Stephanie.
May kinabukasan ang magandang bata.
Hindi nga lang siya trackster na tulad ng kanyang inang si Diay, pero ang taas din niyang lumundag kapag pumapalo ng bola.
Good luck Steph sa iyong napiling sports!
* * *
Gulat ako sa opening ng Shakey’s V-League na ginanap sa The Arena sa
In fairness ha, pinanonood sila at paying public hindi po libre.
Kunsabagay, talaga namang may followings na sila dahil nakakailang conference na ba sila ngayon?
Nakatatak na sa mga mahihilig sa volleyball ang V-League kaya talagang dadayuhin sila.
I’m sure, kung nasaan man ngayon si Jun B. masayang-masaya sa outcome ng kanyang project. Congrats kina Tito Moying Martellino, Ricky Palou, Rhea Navarro, Elmer Yanga at iba pang miyembro ng Sports Vision, ang organizer ng liga.
- Latest
- Trending