NSAs dapat magkapatotoo
Ang pagiging totoo sa kanilang mga sarili para sa darating na 24th Southeast Asian Games sa
Ito lamang ang kahili-ngan ng SEA Games Task Force sa kanilang nakatakdang pakikipag-usap sa mga National Sports Associations kaugnay sa kani-kanilang medal projection para sa 2007 SEA Games.
“We already wrote them to reply to the questionnaire regarding how many medals they can get at kung kaya ba talaga nila kasi kapag nag-project ang mga NSAs minsan sobra-sobra sa nagiging performance nila eh,” sabi kahapon ni Philippine Sports Commissioner Richie Garcia, katambal ni Julian Camacho ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) sa SEAG Task Force.
Nais ng nasabing grupo na malaman ang tunay na kakayahan ng mga atleta ng bawat NSAs na lalahok sa naturang biennial meet sa Thailand sa Disyembre.
“We want it to be a little more realistic pag-dating sa actual projection nila. I am sure after the 2005 Philippine SEA Games they have already learned their lesson. I am hoping for an honest to goodness projection from them para malaman natin kung ano ba ang tunay nilang kakayahan,” ani Garcia.
Ipagtatanggol ng Team Philippines ang overall crown na inangkin nito noong 2005 mula sa nakolektang 112 gold, 84 silver at 94 bronze medals.
May kabuuang 591 na bilang ng mga atleta ang inilista na ng SEAG Task Force para sa 2007 SEA Games kung saan 356 rito ay lalaki at 235 naman ay babae.
Inaasahan nang ma-hihirapan ang Team
- Latest
- Trending