Lady Archers babangon vs Lady Knights

Mula sa isang mapait na pagsisimula ng kani-lang title retention bid, pipilitin ng nagdedepen-sang De La Salle University na makabalik sa porma.

Sasagupain ng Lady Archers ang Lady Knights ng Letran College nga-yong alas-5 ng hapon matapos ang banggaan ng Adamson University Lady Falcons at Lyceum of the Philippines Lady Pirates sa alas-3 sa 2nd Conference ng Shakey’s V-league Women’s Volleyball Tournament sa The Arena sa San Juan.

Nanggaling ang La Salle, ang three-time champions, sa isang 16-25, 22-25, 11-25 kabi-guan sa 1st Conference titlist University of Sto. Tomas noong Linggo.

Muling babande-rahan ni Stephanie Mer-cado, anak ni Asia’s Sprint Queen Lydia De Vega-Mercado, ang Lady Archers katuwang sina Jacqueline Alarca, Mi-chelle Datuin at Carla Llaguno, habang itatapat naman ng Lady Knights sina Bangladesh Panta-leon, Joy Cases at guest player Joan Botor-Carpio.

Inaasahan ring mag-lalaro para sa Taft-based belles si guest player Maureen Penetrante matapos lumiban noong Linggo.

Sa inisyal na laro, hangad naman ng Lady Falcons na makuha ang liderato sa pakikipagtag-po sa Lady Pirates, nag-poste ng 6-1 rekord sa 1st Conference bago kumu-lapso sa semifinal round.

“I hope maipagpa-tuloy namin itong magan-dang start namin this conference,” wika ni coach Dulce Pante sa kanyang Adamson, umiskor ng 25-23, 25-21, 27-25 tagumpay sa Far Eastern University kamakalawa. “Malakas ang Lyceum at sana hindi maging overconfident ang mga players ko kagaya nu’ng nangyari sa laro namin sa FEU.”

Pamumunuan nina Nerissa Bautista, Risa Laguilles at Angela Benting ang Lady Falcons kontra kina Beverly Boto, Dahlia Cruz, Jane Jarin, Joana dela Pena at guest player Estrelita Enriquez ng Lady Pirates. (Russell Cadayona)

Show comments