Makati batters blinangko ang Manila

Nagbigay lamang ng apat na hits ang southpaw na si Jonjon Robles nang padapain ng Makati Marlins ang Manila Sharks Harbor Center, 4-0 kahapon sa Baseball Philippine Series II sa Rizal Memorial ballpark.

Sa ikalawang panalong ito ng Makati, makakasama nila sa pangunguna ng torneong ito na itinaguyod ng Senador na si Dick Gordon, ang winning team sa Cebu Dolphines vs Marikina Shoe Makers game.

Walang nakaiskor hanggang sa ika-apat na inning ngunit biglang kumawala ang Marlins sa ikalimang frame matapos umiskor ng tatlong run  na sinimulan ni Edito Justo ng isang triple at matapos palakarin si Cris Jimenes ay isang single ni Francis Candela ang naghatid kay Justo para umiskor ng isang run.   Isang single ni Alden Lozada ang nagpa iskor kina Jimenes at Candela para sa 3-0 iskor.

Umiskor pa ng isang runscring double ni Candela ang Marlins  sa 7th inning na nagpapasok kay Cris Canlas para sa 4-0 at tinapos ni Robles ang last inning sa pamamagitan ng 1-2-3 order.

Sa unang laro, nakapasok na rin sa win column ang Forward Taguig ng maungusan nila ang  Dumaguete, 6-5 at iwan sa buntot ang mga taga Dumaguete na may 2 talo na wala pang panalo sa torneo ng sponsored ng Philippine Sports Commission, Purefoods, Gatorade, Mizuno IEI, PTC at FBDC. (Anatoly Dela Cuz)

Show comments