Wala pa ring kupas si ‘Paeng’

Ilang araw matapos manalo sa pinakapretihiyosong bowling tournament ng Australia na South Pacific Classic sa Melbourne, nagtala na naman ang six time World Champion Paeng Nepomuceno ng kahanga-hangang performance sa pagrolyo ng dalawang perfect 300 games sa loob lamang ng pitong araw.

Una niyang naitala ang perfect score sa masters finals ng Singapore Open noong September 29 at inulit niya ito noong October 6 sa masters finals ng ITBA Open sa Imus, Cavite.

Walang ipinapakitang pagkalaos ang 50-gulang na si Paeng na may 118 career masters title na isang world record.

“Bowling has been my passion. I have been bowling for almost four decades and will continue to bowl as long as I can,” pahayag ni Paeng, Ambassador ng United States Bowling Congress. “Not even my age is going to slow me down. One of the reasons why I am still in shape is because of my fitness regimen,” ani Nepomuceno na may ‘sicx pack’ abdomen pa rin hanggang ngayon.

“I work out at a gym four-to-five times a week. I go cycling and swimming for my cardiovascular activity when not in the gym.”

Si Paeng ang tanging bowler na nanalo ng World Cup ng apat na beses, ang FIQ Bowling Athlete of the Millenium at may dalawang record sa Guinness Book of World Records.

Ang kanyang pitong talampakang image ay naka-display sa entrance ng International bowling at hall of fame museum sa St. Louis, Missouri sa Amerika.

Show comments