^

PSN Palaro

Cruz nangunguna sa karera ng  MVP

-

Ang double-double machine ng Tigers na si Jervy Cruz ang inaasahang tatawagin para tumanggap ng Most Valuable Player trophy sa gaganaping awarding ceremonies bukas bago magsimula ang Game-Two ng La Salle University of the East titular showdown para sa men’s title.

Si Cruz ang nanguna sa MVP statistical race matapos ang elimination round sa kanyang nakopong 75.86 statistical points bagay na hindi maaaring balewalain ng mga botante bagamat nabigong makapasok sa finals ang Tigers.

Nagtala si Cruz ng 11 double-double performance na siyang pinakamarami sa season na ito.

Nangunguna rin ito sa rebounding department na may 15.4 boards average, at pumapangatlo siya sa scoring na may 16.8 puntos kada laro at No. 4 sa blocks na may 1.4 average sa 16 laro para sa Uste.

Huling nakapagsubi ng MVP title sa mens division ng UAAP basketball si Chris Cantonjos noong 1995.

Makakasama ni Cruz  sa Mythical Five Rico Maierhofer at JVee Casio ng finalists na La Salle, Red Warriors forward Mark Borboran, at Chris Tiu ng Ateneo.

Inaasahang makakasama din sa mythical team ang Adamson hotshot na si Patrick Cabahug (62.57) at Edwin Asoro (60.79) ng National University na pumangalawa at pumangatlo sa statistical race ayon sa pagkakasunod.

Sina Casio at Maierhofer ang kumumpleto ng ‘Top 5’ sa MVP race na may 55.79 at 53.43 SPs, ayon sa pagkakasunod.

Ang FEU guard namang si JR Cawaling ang inaasahang tatawagin para sa Rookie of the Year honors. (Mae Balbuena)

CHRIS CANTONJOS

CHRIS TIU

CRUZ

EDWIN ASORO

JERVY CRUZ

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with