3 umaatikabong bakbakan sa Rizal Ballpark

Makaraang ipag-paliban noong nakaraang Linggo sanhi ng pagda-ting ng bagyo, tatlong laro ang nakahilera sa pag-bubukas ng 1st Baseball Philippines regular tournament bukas (Linggo) mula alas-7:00 ng umaga Sa Rizal Memorial ball-park.

Sa unang laro na gaganapin sa alas-7 ng umaga, makakaharap ng Manila Harbour Centre Sharks ang Marikina Shoe Makers na susun-dan naman ng labanan ng Makati Marlins at ang Taguig Balot Makers sa alas-10:30 ng umaga.

Sa main game, mag-sasagupa naman ang dalawang team buhat sa Visayas na Cebu Dolphins kontra Dumaguete nine sa alas-2 ng hapon.

Sa unang sagupaan, ang Manila Sharks ay bahagyang nakakala-mang dahil sa kanilang karanasan at matagal na rin silang nagsasama.

Nakakaangat naman ang Makati Marlins, nagkampeon sa Pilot Series ng torneo dahil sa mahusay nilang pitcher na si Jonjon Robles. Si Robles ang naging mala-king dahilan kung bakit nagkampeon ang UST sa UAAP at siya din ang nagpakampeon sa Marlins.

Ayon kina Chito Loy-zaga at Leslie Suntay, ang mga organizers ng torneo, walang bayad ang panonood ng elimination round para mabigyan ng pagkakataon ang mga taong makasaksi ng magandang laban sa baseball na matagal ng hinihintay ng mga supporters. (Anatoly dela Cruz)

Show comments