^

PSN Palaro

Castro, Basadre, Ladon lusot

- Ni Russell Cadayona -

Cagayan De Oro City --Habang magkakasunod na napapatalsik sa kontensyon ang ilang bigating miyembro ng national team, nanatili naman sa kanilang hangarin sina Godfrey Castro, Genebert Basadre at Joegen Ladon.

 Umabante sa quarterfinal round sina Castro, Basadre at Ladon kasabay ng pagyukod ni 2003 at 2005 Southeast Asian Games gold medalist Harry Tanamor sa kasalukuyang 2007 Smart National Open Boxing Championship dito.

 Tinalo ni Castro ng Philippine Army si Jay-R Quiam ng Elorde Boxing Team sa bantamweight class, habang iginupo ng katropa nitong si Basadre si Roberto Vito del Rosario ng Philippine Navy-ago City at binigo ni Ladon ng Philippine Navy si Listriano Tappcine ng Misamis Oriental sa lightweight division.  

 Kumpara kina Castro, Ladon at Basadre, kabiguan naman ang natikman ng 29-anyos na si Tanamor makaraang yumukod kay Albert Pabila ng Philippine Navy-Bago City, 3-2, sa light flyweight category.

 “Ngayon lang naman siya nanalo sa akin. Isa pa, talagang pagod pa rin kami (national team members) dahil galing pa kami sa tournament abroad. Hindi pa kasi kami nakakarecover,” sabi ni Tanamor, silver medalist sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar.

 Isang linggo bago ang National Open ay nagtungo ang grupo nina Tanamor at 2006 Asian Games gold medal winner Joan Tipon, natalo sa 19-anyos na si Orlando Tacuyan, Jr. ng Angeles City sa featherweight class kamakalawa, sa 2007 Ostrova Gran Prix sa Czech Republic.

  Kapwa nag-uwi sina Tanamor at Tipon ng silver medal mula sa nasabing international meet matapos yumukod sa kani-kanilang Russian rivals sa finals.

 “Masaya kasi kahit paano nagkaroon ulit ako ng confidence sa sarili ko,” ani Pabila, kumuha ng gold medal sa 2005 Sri Lanka Invitational at sa 2006 Australian Tri-National Boxing Championships.

 Estratehiya naman ang ginamit ng 24-anyos na Army Corporal na si Castro laban kay Quiam.

 “Balak ko talaga tapusin sa first round,” wika ni Castro, umiskor ng 8-5 kay Quiam. “Pero two points lang ang lamang ko pagkatapos. Pakiramdam ko hindi naman tumatama ang mga suntok niya at nadadala lang nang mga sigaw ng tao. Kaya nung second round, takbo-alik, takbo-balik na lang ako.”

 Ang iba pang nanaig sa lighweight division ay sina Jheresis Chavez ng Marikina City kay Rosel Gedano ng Iligan City at Rene Villaluz ng Navy-Bago City kay Ric Anthony Maccas ng Manolo Fortich, Bukidnon.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BASADRE

CITY

LADON

PHILIPPINE NAVY

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with