Babanderahan ng mga collegiate stars na sina Pong Escobal at Jervy Cruz at PBL back-to-back MVP Jason Castro ang provisional list ng mga players na bubuo sa Harbour Cente-backed Philippine team sa 24th SEA Games sa Thailand sa Disyembre.
Isinumite kahapon ni Erick Arejola, na naatasan ni Harbour Centre owner at amateur godfather Mikee Romero na siyang mamahala sa preparasyon ng RP training team, ng 13 pangalan sa SEA Games Task Force.
Sina Escobal at Cruz at makakasama ng Nationals sa pagsasanay simula ngayon.
Ang pagkakabilang nina Escobal at Cruz sa RP training team ay ikinasiya ni Romero lalo pa’t kitang-kita ang ebidensiya sa kanilang mahalagang papel sa kani-kanilang paaralan.
“I saw them played several times and given enough time to train, they will click instantly with the RP team,” wika ni Romero. “Pong’s presence will give us a lot of offensive options.”
Ang iba pang kasama sa provisional line-up ay sina Beau Belga, Chad Alonzo, Erick dela Cuesta, Jonathan Fernandez, Boyet Bautista, Allan Salang-sang, Eugene Tan, Lawrence Bonus, Patrick Cabahug at Jeff Chan.
Hindi pa pinal ang lsitahan at maaari pang baguhin sa manager’s meeting.
Ayon kay Romero, target din nila ang Fil-Ams na sina Gabe Norwood at Cris Crisano at La Salle center Rico Maierhofer.