Pacquiao nagbiyahe na patungong Las Vegas
LOS ANGELES — Bago kumagat ang dilim sa Lunes (Martes sa Maynila), nakumpleto na ni Manny Pacquiao ang kanyang 300 mile na biyahe mula Los Angeles patungong Las Vegas, ang lugar na pagdara-usan ng kanyang Oct. 6 showdown kay Marco Antonio Barrera.
Tinapos ni Pacquiao ang kanyang sparring sa Wild Card Gym ng tanghali at matapos ang maikling pahinga suma-kay na ito sa kanyang gray Lincoln Navigator para sa apat na oras na biyahe kasabay ang iba pang sasakyang bubun-tot sa kanyang late-model SUV.
Hindi na mahintay ni Pacquiao ang Vegas, na naging mabait sa kanya. Sa loob ng limang laban, tatlo laban kay Erik Morales, may tatlong panalo ito, isang talo at draw, ang kontrobersyal na draw.
“I’m ready. I’ve packed up my things,” ani Pac-quiao.
Sisimulan ni Pacquiao ang araw sa pamama-gitan ng maikling pagtak-bo sa Griffith Park bago mag-ispar ng tatlo pang rounds kontra kay David Rodela para mabuo ang 131 rounds. Ito na rin ang huling ispar niya sa kanyang paghahanda sa kanyang rematch.
Wala pang balita tung-kol kay Barrera. Ilan ang nagsasabing nakatakda itong lumipad mula Gua-dalajara noong naka-raang Sabado habang sabi naman ng iba dada-ting ito ng Vegas sa Linggo, isang araw na una kay Pacquiao.
Si Pacquiao ay sasa-mahan ng kanyang train-er na si Buboy Fernan-dez, driver at bodyguard sa kanyang Navigator. Habang si Freddie Roach naman ay sakay ng sariling kotse patungo sa Vegas, na bahagyang una sa convoy.
Darating naman ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee sa Lunes mula sa Manila at mula airport sasakay ng van kasama ang ilang miyembro ng pamilya at kaibigan na deretso sa Mandalay Bay sa Las Vegas.
- Latest
- Trending