Walong bagong Philippine records sa compound at recurve ang naitatag at dalawa pang iba ang naitabla sa nakaraang 15th Asian Archery Championships sa Xian, China.
Lima sa nasabing marka ang naiposte at ang isa ay naitabla sa compound division kung saan nagbulsa si Earl Yap at ang women’s team nina Jennifer Chan, Abbigail Tindugan at Amaya Paz ng gintong medalya, habang ang iba ay naitala sa recurve division.
Ang mga bagong record ay ang sumusunod: 677 puntos ni Jennifer Chan sa women’s FITA 70 meter, na tumabon sa 675 ni Amaya Paz na naitala noong 2005 sa Bangkok; 2010 ng women’s team nina Chan, Abbigail Tindugan at Paz sa 70-m team qualification round (dating marka ang 1968 nina Chan, Paz at Joann Tabanag, na naitala noong Feb. 2005 sa Bangkok), 227 nina Tindugan, Chan at Paz sa 4x6 women’s team na tumabla sa dating marka na 222 nina Paz, Tindugan, Chan at Tabanag na naitala noong Sept. 2006 sa Shanghai); 450 nina Tindugan, Chan at Paz sa 2x24 women’s team match event (dating marka ay 421 na naiposte nina Paz, Tindugan, Chan at Tabanag noong Sept. 2006 sa Shanghai) at ang 350 nina Earl Yap sa men’s 70 meters (ang dating marka ay 345 ni Yap na naitala noong July 2006 sa Kuala Lumpur.
Ang bagong recurve records ay ang sumusunod: 652 points ni MarkJKaviersa FITA 70 meter men’s division na humigit sa 633 na naitala naman ni Florante Matan at Marvin Cordero noong 2004 at 2003 sa Bangkok; 1934 ni Javier, Matan at Cordero sa FITA 760-m team qualification round (dating marka ay 1850 nina Matan, Nerick-zom Fraginal at Cordero na naitala noong 2004 sa Bangkok) at ang 217 nina Javier, Cordero at Matan sa 4x6 men’s team event( ang dating marka ay 197 na naitala nina Javier, Paul Marton at dela Cruz, Christian Cubilla at Renato Bartolome sa Kuala Lumpur noong 2006).
Naitabla ni Chan ang 117 puntos na naitala ni Paz noong February 2006 sa 12-arrow final match sa women’s compound, habang naitabla naman ni Javier ang 323 na naiposte ni Clint Sayo sa Singapore SEA Games noong 1993 sa men’s 36 final match.
Si Javier, na ang biyahe ay gagastusan ng Philippine Sports Commission kasama sina Rachelle Anne Cabral, Cordero, Matan, Dela Cruz at coach Pedro Cortez Jr., ang nag-iisang Filipino qualifier na tutungo na ng Beijing Olympics sa susunod na taon.
Tinalo ni Javer si Mangal Singh ng India, 111-107 upang dominahin ang Continental Qualification Tournament. Kanyang sinibak si Bensong Ong ng Singapore, 112-99, Assiano Ryota ng Japan, 04-102 (quarterfinals) at Wan Mohdkha-minimizab Ab Aziz ng Malaysia, 107-106 (semifinals) upang makarating sa finals.