^

PSN Palaro

Back-to-back champion ang San Beda

- Ni Russell Cadayona -

Matapos si Koy Banal noong 2006, si Frankie Lim naman ang nabigyan ng isang ‘victory ride’ ngayong taon.

 Ito ay makaraang talunin ng San Beda College ang Letran College, 76-64, sa Game 2 upang ibulsa ang kanilang pangalawang sunod na kampeonato sa 83rd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

 Winakasan ng Red Lions, may 13 NCAA title ngayon na naglagay sa kanila sa ikatlong posisyon sa ilalim ng 15 ng Knights at ng 14 ng dating miyembrong Ateneo De Manila University Blue Eagles, ang kanilang best-of-three titular showdown ng Letran sa 2-0.

 “We worked hard for this and win our back-to-back championship,” ani coach Frankie Lim, miyembro ng San Beda team na umiskor ng back-to-back championships noong 1977 at 1978 kasama sina Chito Loyzaga at JB Yango. “This championship is for everybody, for the team, for the players, for the San Beda community.”

 Huling naitabla ng Letran, nakabawi buhat sa isang 0-1 deficit sa kanilang title series ng Philippine Christian University noong 2005 patungo sa korona, ang laro sa 11-11 galing sa tres ni Reymar Gutilban bago ang inihulog na 15-1 bomba ng Mendiola-based cagers para sa kanilang 26-12 abante sa first period.

 Mula rito ay itinala ng Red Lions ang malaking 17-point lead, 41-24, mula sa split ni Yousif Aljamal sa 1:33 ng second period hanggang maputol ng Knights sa 47-52 sa huling 1:36 ng third quarter sa pamumuno nina RJ Jazul, Bryan Faundo at Kojak Melegrito. 

“Medyo naging kumpiyansa kami after building that 17-point lead in the second quarter. Fortunately, namaintain namin’yung composure namin sa second half,” ani Lim.

ARANETA COLISEUM

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY BLUE EAGLES

BRYAN FAUNDO

CHITO LOYZAGA

FRANKIE LIM

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with