^

PSN Palaro

Si Kyla ang aawit ng ‘Lupang Hinirang’ sa Pacquiao-Barrera 2

-

Matapos sina Jennifer Bautista at Geneva Cruz, ang R&B Princess namang si Kyla ang aagaw ng eksena sa pagkanta ng Philippine anthem sa Manny Pacquiao-Marco Antonio Barrera rematch sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada. 

“I am greatly honored na ako ang napili sa mga nag-audition,” wika ni Kyla.

Ang 26-anyos na si Kyla ang naging panauhin sa huling press conference ni Pacquiao sa The Fort noong Sabado kasama si Jonalyn Viray.

“Manny was happy with Kyla’s performance when she sang at the send-off party held for him by Solar and GMA last Saturday,” wika ng isang opisyal ng GMA-7, katuwang ng Solar Sports na magha-handog ng Pacquiao-Barrera II mula sa Las Vegas

Si Kyla ang tanging female local artists na nanalo sa bigating MTV Video Music Awards noong 2001 bilang Southeast Asian Viewers Choice Awardee kasama ang dalawang OPM bands na Eraserheads at Parokya Ni Edgar. 

Ang pagkanta ni Kyla sa Pacquiao-Barrera II ang inaasahang lilimot sa pag-piyok ni Bautista sa Pacquiao-Erik Morales III sa Las Vegas noong 2006, ang pag-iiba ng tono ni Cruz sa national anthem sa Pacquiao-Jorge Solis fight sa Alamo-dome sa San Antonio noong Abril at ang pagkalimot ni Christian Bautista sa ilang lyrics sa exhibition match nina Gerry Peñalosa at Bernabe Concepcion nitong Setyembre 16 sa Metropolis Mall sa Alabang. (Russell Cadayona)

B PRINCESS

BERNABE CONCEPCION

CHRISTIAN BAUTISTA

GENEVA CRUZ

GERRY PE

JENNIFER BAUTISTA

KYLA

LAS VEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with