^

PSN Palaro

Please Behave: Panawagan sa mga UAAP supporters

SPORTS - Dina Marie Villena -

Tiyak na magiging mainit ang laban ng mahigpit na magkaribal na Ateneo at DLSU sa kanilang muling pagkikita (sa ikaapat na pagkakataon) sa semifinals ng UAAP men’s basketball tournament.

Kaya naman may panawagan ang UAAP host school na UST  sa lahat ng supporters ng Ateneo at La Salle at ng naghihintay na UE.

Kasi ba naman, last Sunday sa crucial game din ng Ateneo at UST ay may hindi magandang insidente na naman ang nangyari.

Ayon kay Mommy Felicitas Francisco, naaalarma na siya sa hindi magandang insidente tulad nga nitong nakaraan linggo kung saan isang Ateneo fan ang nagpakawala ng masamang salita kay commissioner Ed Cordero at ilang kasama nito habang papalabas sila ng playing court.

“There are some alumni who really don’t behave the way they have been educated,” wika ni Francisco. “Let these (basketball) games be an avenue for further camaraderie among schools, their alumni and students, not for hooliganism.”

At nakilala pala ni Cordero ang naturang fan kaya naman hilining nito na i-ban ang naturang Ateneo fan na umupo malapit sa courtside lalo na’t nakatakdang mag-laban ang Blue Eagles at De La Salle University sa ikaapat na pagkakataon.

Krusiyal ang laban na ito at may twice-to-beat advantage ang DLSU, kaya lalo pang inaasahan ang dikdikan at mainit na laban sa pagitan ng dalawang magkaribal na paaralan. Kaya tiyak na may hindi magagandang insidente na naman ang mangyari tulad sa tuluyang pagpapatalsik sa laro kay Bryan Ilad ng DLSU na nanuntok kay Mark Falpulme ng UE.

* * *

Sino nga kaya ang makakalaban ng UE Red Warriors sa UAAP Finals?

Pwedeng UE vs DLSU at pwede ring UE vs Ateneo.

Hintayin na lang natin ang magiging resulta ng laban ng Ateneo at DLSU sa Huwebes. Tiyak na magigiba ang Big Dome.

* * *

Belated happy birthday pala kay Benedict Baldovino na nag-celebrate ng kanyang birthday last September 19.

vuukle comment

ATENEO

BENEDICT BALDOVINO

BIG DOME

BLUE EAGLES

BRYAN ILAD

DE LA SALLE UNIVERSITY

ED CORDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with