KASO

Muling lumitaw sa mga pahayagan ang pangalan ni Bong Alvarez, pero hindi dahil sa paglalaro ng basketbol. Parang dalawang laban ang pinasok ni Mr. Excitement kamakalawa, laban sa kaawa-awang taxi driver, at sa isang babaeng reporter ng ABS-CBN. Sa parehong insidente, malaki ang pagkakamali ng dating San Sebastian Stag.

Una, anuman ang dahilan, hindi na niya dapat pinatulan ang tsuper ng taxi. Anuman ang sabihin niya, malabong naunahan siya ng suntok ng biktima.

Pangalawa, anuman ang nasabi ng drayber, bakit niya mamarapating saktan ito?

Ikatlo, nasira siya dahil bukod sa miyembro ng media ang pinatulan niya, babae pa. Bagamat pursi-gido si Gretchen Malalad, wala siyang ginaga-wang masama. Salita lamang ang namagitan sa dalawa, at nauna si Alvarez na nanakit. Ginawa niyang kaaway ang lahat ng media.

Ilang beses na dinadahilan ni Alvarez na mabuti siyang tao, nabigla lang siya, at may tatlo siyang anak na babae. Pero hindi ito katuwiran upang masangkot sa gulo. Kung may nakikipag-away sa kanya, madaling tumalikod at umiwas, hindi ba? Kailangan bang patulan?

Mahaba na ang listahan ng mga nakabangga ni Alvarez. Una, naka-apat na team siya sa PBA mula 1989 hanggang 1999. Nasangkot pa siya sa barilan sa isang massage parlor sa Quiapo, kaya siya nawala sa Alaska. Kasunod nito, mga insidente ng pakikipagsuntukan sa isang kapwa MBA player sa isang bar sa Libis, ang pagsampal sa isang security guard sa White Plains Subdivision, pagsuntok kay Romel Adducul sa laban ng Pampanga Dragons at Manila MetroStars, at ang alitan nila ni Borgy Manotoc.

Noong nasa Pam-panga siya, kinawawa si Ato Morano, na siyang nagdadala ng team. Ayaw diumano huma-wak ng bola sa huling dalawang minuto dahil ayaw masisi. Marami daw na hindi maka-sundo. At may iba pang kasong di na natin babanggitin.

Dagdag mo pa rito ang paglipat niya mula sa FedEx papuntang Talk ‘N Text. Sa unang pagsalta pa lamang niya sa Express, may patama pa siya na maliit lang ang kontrata niya, pero pinatulan pa rin niya.

 Maiurong man ang kaso ng drayber, hindi iaatras ang kaso ni Gretchen Malalad, dahil baka maulit pa ito’t lagi na lamang nakakalusot si Alvarez. Malabo nang maareglo ang kaso. Sana’y pag-aralan ng dating manlalaro ang buhay niya. Kung tu-toong ayaw niyang ma-pahiya ang pamilya niya, matuto siyang magtimpi, at huwag nang magla-sing. Dahil sa susunod, baka hindi siya maging ganoong kasuwerte.

Maraming tarantado diyan.

Show comments