Coaching staff ni Duran pabor kay Barrera

Isang dating miyembro ng coaching staff ni Panamanian boxing great Roberto Duran at ngayon ay cornerman ni Dominican world super featherweight champion Joan Guzman ang naniniwalang si Mexican Marco Antonio Barrera ang siyang mananalo sa kanilang rematch ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao. 

Ayon kay Tony Rivera, nasa maigting na prepa-rasyon ngayon ang 33-anyos na si Barrera na siya nitong bentahe kontra sa 28-anyos na si Pacquiao.

 “How does Marco beat Manny? He can do it by fighting smart like he did when he upset undefeated Prince Naseem (Hamed) in Vegas,” ani Rivera kay Barrera, inagawan ni Juan Manuel Marquez ng World Boxing Council (WBC) super featherweight crown noong Marso.

 Kasalukuyan ngayong nagti-training si Barrera sa kanyang kampo sa Guadalajara, Mexico kung saan sinasabing kumuha siya ng tatlong Japanese fighters na ka-istilo ni Pacquiao.

Samantala, inilista naman sa Pacquiao-Barrera II sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas ang mga pangalan nina feather-weight Glenn Gonzales (6-0-1, 4 KOs) at bantam-weight Jundy Maraon (11-0-1, 9 KOs) sa undercard. (Russell Cadayona)

Show comments