2 pang Mexican boxers nakalinya kay Peñalosa
Bukod kay world super bantamweight champion Daniel Ponce De Leon, dalawa pang Mexican fighters ang nasa listahan ng mga posibleng sagupain ni Filipino world bantamweight titlist Gerry Peñalosa.
Ang mga ito, ayon sa 35-anyos na si Peñalosa, ay sina World Boxing Council (WBC) super bantamweight king Israel Vazquez at Jorge Arce.
“Ongoing pa rin ‘yung discussion regarding sa susunod na fight ko. Kung hindi puwede ang rematch kay Ponce De Leon, baka ‘yung kay Vazquez o kay Arce ang matuloy,” wika kahapon ni Peñalosa, ang bagong World Boxing Organization (WBO) bantamweight ruler.
Mula sa isang left hook sa rib cage ni Jhonny Gonzales sa seventh round, naagaw ng tubong San Carlos City, Cebu ang WBO bantamweight crown sa 24-anyos na si Gonzales sa nakaraang 2007 World Cup sa Arco Arena sa Sacramento, California.
Bago magretiro, hangad ni Peñalosa, nagdadala ng 52-6-2 win-loss-draw ring record kasama ang 35 knockouts, na makagawa ng kasaysayan sa pama-magitan ng paghahari sa tatlong weight divisions.
“Tinanong ako ni coach Freddie Roach kung gusto kong labanan si Arce, sabi ko sa kanya okay lang basta may nakatayang world championship,” ani Peñalosa. “Kung kailangan namang umakyat ako ng weight division para makalaban si Vazquez, okay rin sa akin.”
Bago naging WBO bantamweight champion, naghari muna si Peñalosa sa WBC super flyweight category noong 1997.
Nagmula ang 29-anyos na si Vazquez, may 42-4 (31 KOs), sa isang 6th round TKO kay Rafael Marquez sa kanilang rematch noong Agosto 4 sa Dodge Arena sa Texas para angkinin ang WBC super bantamweight belt.
Tangan naman ng 28-anyos na dating WBC super flyweight king na si Arce ang 46-4-1 slate kasama ang 35
- Latest
- Trending