Tiyak nang hindi maka-kasagupa ni bagong world bantamweight champion Gerry Peñalosa si dating world flyweight titlist Vic Darchinyan ng Armenia.
Ito ay dahilan sa pakiki-pagtagpo ni Darchinyan, nagdadala ng 28-1 win-loss ring record kasama ang 22 knockouts, kay dating Filipino flyweight king Federico Catubay sa Oktubre 20 sa Sydney, Australia.
Isa sana si Darchinyan, nakabase ngayon sa Syd-ney, Australia, sa mga potensyal na haharapin ng 35-anyos na si Peñalosa mata-pos nitong maagaw kay Me-xican Jhonny Gonzales ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown kamakailan sa Arco Arena sa Sacramento, California.
Nakumbinsi na ni dating PBA Commissioner at dating World Boxing Council (WBC) secretary-general Atty. Rudy Salud si Peñalosa na huwag munang humingi ng rematch kay WBO super bantamweight ruler Daniel Ponce De Leon.
Sa halip ay pagpilian mu-na kina Darchinyan at Mexi-can slugger Jorge Arce ang isusunod na kalaban.
Matatandaang pinabag-sak ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. si Darchin-yan noong Hulyo sa Connec-ticutt para hablutin ang suot nitong International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight belt.
Tangan ni Catubay, tinalo ng kasama ni Darchinyan na si Hussein Hussein sa 3rd round noong 2005, ang 20-13-3 slate. (RC)