May mga sorpresa sa PBA Draft
Maliban na lamang sa malaking trade bago ang PBA Annual Draft na gaganapin ngayong alas-4:00 ng hapon sa Market Market sa The Fort sa Taguig, isa kina Joe De-vance at Samigue Eman ang magiging top draft pick ng Welcoat Paints sa taong ito.
Kailangang-kailangan ng Dragons ng big man at swak na swak sa kanila alin man sa dalawang Fil-Am ngunit sinabi kamaka-lawa ni coach Leo Austria na kung makakakuha sila ng magandang trade mula sa tatlong teams na nag-aalok sa kanila ng marque players, magba-bago ang kanilang isip sa draft.
Kaya’t inaasahang magi-ging malaking sorpresa pa rin ang top draft pick sa taong ito mula sa hitik na hitik sa talentong 44-man draft pool.
Kung makakakuha ng big man mula sa trade, pinami-milian naman ng Welcoat sina J.C. Intal o Ryan Reyes.
Malaki ang posibilidad na kukunin ng Welcoat ang 6-foot-7 na si Devance, pro-dukto ng University of Texas sa El Paso stalwart, naging Most Valuable Player ng 2006 PBL Unity Cup o si Eman.
Ikalawang pipili ang San Miguel sa draft na siyang unang opisyal na aktibidad sa ilalim ng bagong Officer In Charge na si Sonny Barrios, at kung sino ang hindi maku-kuha kina Devance at Eman ay inaasahang huhugutin ng Beermen.
Inaasahang si Intal o ang Fil-Am guard na si Reyes ang magiging No. 3 sa Draft ng Sta. Lucia Realty.
Ang hindi makukuha sa dalawa ay inaasahang huhugutin naman ng Air21 na siyang may-ari ng No. 4 at No. 5 picks. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending