Martinez, most bemedalled Pinoy skater

Ang SM Southmall bet na si Michael Christian Marti-nez ang naging most beme-dalled skater sa 2007 Skate Asia nang manalo ito ng tatlo pang gintong me-dalya para sa kabu-uang 13-golds sa pe-nultimate day ng event sa SM Mall of Asia olympic size skating rink.

 Nanalo ang 10-gulang na si Martinez sa10-12 mixed Solo Dance 3, 10-14 male Freestyle at nakipagtambal kay Jana Camille Cavanas para sa gold sa 9-10 mixed Dance 3.

Nauna nang nanalo si Martinez sa Speed Racing, Figure 2, Rhythmic Ball, Family Spotlight, Interpretative, Artistic, Solo Compulsory, Jump and Spin, Footwork and Spotlight events para sa kanyang 13-golds na humigit sa kanyang  11 na produk-siyon sa Shenzen, China edition noong nakaraang taon.

Ang iba pang naghatid ng ginto para sa SM Southmall ay sina JC Ingeniero (22-32 mixed Solo Dance 1), Chriselle Jeanne Mereader at Julia Napenas (7-12 mixed Dance 1) at Noelle Cielito Soriano (11 female Freestyle 5).

Ang SM Southmall ay mayroon nang 2180.5 ngunit halos sigurado nang overall champion ang SM Megamall sa kanilang 5901.0 total.

Ang Indonesia-based Skyrink-Jakarta ay nasa malayong third place na 676 points kasunod ang Hong Kong’s Festival Walk Glacier at SM International na may 630 at 513 points ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang naka-gold kahapon sa Day 6 ng event na su-portado ng SM Prime Holdings, Philippine Skating Union, Pepsi, Dept. of Tourism, Accel, Philippine Airlines, Shure Travel and Tours at Yehey.com ay sina Chelsea Gibbons (16-21 female Solo Dance 3 and 14-17 female Freestyle 5), Jana Camille Cavanas at Mary Ann Limjoco (9-12 female Solo Dance 4), Gimelle Ballesteros at Eri Reyes (11-14 female Similar Dance 3); Mikhaela Lee (6-7 female Solo Dance 1), Alvira Sunjaya (8-10 mixed Solo Dance 1), Julia Ignacio (11 female Solo Dance 1), Nicole Victoria Ceballos (13-16 Solo Dance 1), Danica Leslie Icaranom (12 female Solo Dance 1 and 12-13 female Freestyle 5), Julia Ignacio at Lindsay Garcia 10-16 female Similar Dance 1); Arlene Carino (12-16 female Solo Dance 2), Ma-ciko Audrey Chan (8-10 female Freestyle 5), Noelle Cielito So-riano (11 female Freestyle 5), Lei Hon Kei 13-16 (male Freestyle 5), Chelcie Jo Mahinay (10-12 female Freestyle 6) at Eingel Betrice Ferrer (15-16 female Freestyle 6).

Show comments