^

PSN Palaro

Pagbabalik ni FG sa sport ikinasiya ng mga atleta

-

Isang malaking tulong na naman para sa mga National athletes ang pagbabalik sa sporting scene ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo. Ito ang pahayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. sa muling paglulunsad ni Arroyo ng isang pledging session sa Malacañang bukas.

“Nakita naman natin sa last Southeast Asian Games na malaki talaga ang naitulong ng efforts ng First Gentleman towards our victory in 2005,” wika ni Cojuangco sa pangu-nguna ng First Gentleman sa pledging session noong Enero ng 2005 para sa mga national athletes na sumabak sa 2005 Philippine Southeast Asian Games. 

Bunga ng kanyang suporta at panghihikayat sa mga ‘Godfathers’ na naglatag ng halos P160 milyon, nakuha ng Team Philippines ang overall championship ng 2005 SEA Games.

“His participation again in this effort will be greatly appreciated by everybody in sports,” sabi ni Co-juangco, inaasahang magtutungo sa Malaca-ñang kasama ang ilang national athletes.

Sa kanyang pamu-munuang pledging session sa Palasyo bukas, tanging ang mga atleta lamang ng taekwondo, boxing, wushu, lawn tennis, weightlifting, shooting at fencing na sasabak sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China ang haha-napan ng kani-kanilang ‘Godfather’. 

Nauna nang itinakda ni Arroyo, sa pamamagitan ng kanyang FG Foundation, ang nasabing pled-ging session para sa mga Olympic-bound athletes noong Marso kundi la-mang siya nagkasakit at sumailalim sa operasyon. 

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang gold medal ang mga Pinoy sa paglahok sa mga nakaraang Olympic Games maliban sa dala-wang silver medal nina light flyweight Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. at featherweight Anthony Villanueva noong 1996 Atlanta at 1964 Tokyo Games, ayon sa pagka-kasunod.  (RCadayona) 

ANTHONY VILLANUEVA

COJUANGCO

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN ATTY

MALACA

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with