“Kahit saang lugar, lalabanan ko siya!”
Ito ang mapaghamong pahayag ni Pinoy boxing champion Gerry Peñalosa laban kay WBO champion Daniel Ponce De Leon na tumalo kay Rey ‘Boom Boom’ Bautista sa unang round ng kanilang World Cup boxing championship sa Sacramento, California, USA noong Linggo.
Dumating si Peñalosa kahapon ng umaga mula sa Amerika kasama ang isa pang Pinoy champion na si Diosdado Gabi at American trainer Freddie Roach at mainit na sinalu-bong ng mga kababayan,. Kasama rin ni Peñalosa ang kanyang asawa at anak.
Sinabi ni Peñalosa na gusto niyang labanan si Ponce de Leon kahit saan bansa o kahit sa Mexico pa. (Ellen Fernando)