Isang gold na lang para sa sweep ni Diaz
Isang ginto na lamang at masu-sweep na ng nagba-balik na si Cari Kristine Diaz ang kanyang pitong events sa 2007 Skate Asia, matapos ang kumbinsidong panalo sa female Freestyle 4 kahapon habang patuloy ang pananalasa ng mga pambato ng SM Megamall sa pagpapatuloy ng aksiyon sa SM Mall of Asia skating rink.
Matapos ang walong taong pagkawala sa aksiyon, nagbalik si Diaz na tumalo sa tatlong mahuhusay na kala-ban para manguna sa 21-23 category ng freestyle 4 na kan-yang ikaanim na ginto matapos manalo sa Hockey Shooting, Hockey Skating, Solo Compulsory, mixed Jump And Spin, Solo Program at Production.
Huling sumabak si Diaz noong 1999 sa International Ice Skating Institute (IISI) World Recreational Championship sa San Jose, California, ngunit nagpatuloy ito sa pag-i-skate sa SM Megamall bilang full-time coach.
“I really gave everything out because this is my first performance in the last six years aside from the 1999 IISI tournament in the United States,” sabi pa ni Diaz na nagsimulang mag-skate sa edad na 5-gulang at naghasa ng kanyang skills sa Canada. Ang kanyang huling event ay ang 19 above Team Competition sa huling araw ng kompetisyon.
Ang tagumpay ni Diaz ay pinarisan ng veteran campaigner na si John Carlo Ingeniero na nanalo sa 19-22 male Freestyle 4, para sa kanyang ikaanim na gold bukod sa anim na silvers din matapos ang limang araw na aksiyon ng event na sanctioned ng Ice Skating Institute of America.
May limang events pa si Ingeniero kaya siya ang inaasahang most bemedaled performer.
Ang SM Megamall ay nangunguna pa rin sa nalikom na 5,492.5 points kasunod ang SM Southmall na may 1,995 points kasunod ang Indonesia-based Skyrink-Jakarta na nasa third place na may 629 points, Festival Walk Glacier ng Hongkong na may 614 points sa 16-team field.
Ang iba pang winners ay sina Sabrina Tso sa 9-10 female Freestyle 4, Christina Marie Cordero sa 11-12 Freestyle 4, Monica Su sa 11-12 female Freestyle 4, Angelica Elmido sa 14-17 female Freestyle 4, Michelle Priskilla sa 13 female Freestyle 4, Kan Ka Kit sa 11-14 male Freestyle 4, Talitha Licauco sa 27-30 female Freestyle 4, Xu Jingwei sa 33-41 female Freestyle 4, Michaela Lee sa 6-7 female Artistic Freestyle 1, Bernadine Poulette Umali sa 8-9 female Artistic Freestyle 1, Samantha Corrales sa 10 female Free-style 1, Jacquelyn Christian sa 11 female Artistic freestyle 1 at Esther Leon sa 12-13 female Freestyle 1. (MAE BALBUENA)
- Latest
- Trending